PAUNANG SALITA
Kung ang paunang salita ay magkakaroon ng pamagat, para sa isang ito ang aking gagamitin bilang pangbukas ng nagpapatuloy ng ika-34 na Pangkalahatang Pagpupulong ng ating Kongregasyon: “Patuloy akong naniniwala.” Tama, kailangan natin sabihin ito. Kailangan huwag nating kalimutan na ang ating panahon ay minamarkahan ng mga katanungan, hamon at mga alalahanin na tumutuon sa paniniwala na ang “Simbahan ay sobrang gamit na” at wala nang maaring gawin pang iba. Ngunit ang aking pagkabigla ay positibo. Nakita ko ang mga kasama nating ganado. Sa pamamagitan ng kanilang pakikilahok, kahit marami sa kanila ay bago sa ganitong Gawain, nakita ko ang mga kapatid na pawang nagsasabi sa pamamagitan ng kanilang saloobin: “Patuloy kaming naniniwala.”
Ang napiling tema para sa Pangkalahatang Pagpupulong ay nagpapahiwatig ng pananampalataya at pag –asa na nananahan sa ating kalooban: “Nalalapit na ang Paghahari ng Diyos. (Marcos 1:15) Mamuhay at Ipahayag ang Magandang Balita ng Pag-asa.” Totoo nga, ang mga tanda ng Kaharian ng Diyos na nasa atin na ay nandun, ngunit sa pansamantala, mga tanda ng paglaban ay makikita dito at saan mang dako, sa pamamagitan ng mga karahasang nagaganap sa mga tao at sa kalikasan. Ito ay paanyaya na dapat lalo pa tayong magtrabaho.
Sa mga ilang taong lumipas, atin nang pinapahayag ang pangangailangan ng malalimang pagbabago sa ating Kongregasyon. Isang pagbabago na makakatulong sa atin upang harapin ang mga panlabas at panloob na mga suliranin. Halimbawa nito ay ang pagbabago ng kurba ng demograpiko, mga dumaraming bilang ng mga kapatid na nasa paghuhubog, ang kagustuhang magkaroon ng mga bagong pamamaraan ng pagmimisyon, ang pangagailangan na magkaroon ng bagong istrakturang pang-organisasyon para ating Kongregasyon, at marami pang iba.
Ang Pagpupulong ay hindi naghanap sa malayo upang makita ang bagong pamamaraan ng pagsasaayos, o kaya ay nagpanukala ng anumang malalimang pagbabago. Ngunit nagiging malinaw sa ating lahat na kung hindi natin ipipilit ang mga ilang mahahalagang aspeto ng buhay relihiyoso sa pangkalahatan at ang buhay relihiyosong Assumptionista, ang isang bagong istraktura o kaya ang bagong pamamaraan ay hindi magtatagumpay ng lubusan.
Kung kaya ang pagkakapatiran ay isang handog, bilang isang misyon at bilang isang hamon na nagsimula bilang isang paksa ng pagninilay buhat sa ating Pagpupulong noong una. Ang ating karisma ay nagbibigay na sa atin ng mga elemento ng mga karanasan ng pagkakaisa at ng pagkakapatiran. Habang isinasabuhay natin ang ating karisma sa kabuoan, lalong- lalo na sa pang- internasyonal at pang intercultural na mga pamayanan, ay isang ng balangkas na huhubog sa atin bilang tandang pangpropeta ng plano ng Diyos. Ang ating pagkakapatiran ay kailangan gumabay sa atin na magbigay ng suhesyon ng isang simple at tahimik na buhay, at upang ipagkatiwala ang ating sarili sa pagtatangol sa ating “iisang tahanan.”
Ang pagtawag ng Espiritu at ang ating sariling realidad ay kuminbinsido sa atin ng pangangailangan upang muling pagtibayin ang ating misyonerong pagkakakilanlan. Kailangan tayong maghubog ng mga misyonerong disipulo at isulong ang misyon bilang tahakin sa ating Kongregasyon na nauugat sa karisma nito. Kung wala itong paninindigan sa misyon, ang Assumption ay maaaring patungo sa panganib pag-iba ng kanyang kalikasan at mawawala ang essensya ng kanyang karisma, at ito ay mauuwi lamang bilang koleksyon ng mga malilit na Gawain. Kung naniniwala tayo na ang ating prisensya sa Europa at Amerika ay mananatiling mahalaga sa pag aalay ng karisma ng Assumption sa Simbahan at sa mundo, ang landas ng pagmimisyon ay lubhang kailangan.
Ang tema na hindi nabigyan ng pansin na nagmula sa mga nakaraang Pagpupulong ay ngayong naging sentro ng usapin at gawain ng ika- 34 na Pagpupulong. Ngayong tayo ay pinagyayaman ng ating karanasan na depensahin ang Kalikasan, at ng mga panukala ng “Laudato Si”, ang pagninilay sa kasalukuyang Pagpupulong ay minamarka ng mga sumusunod na pundamental at transbersal na opsyon: hustiya, kapayapaan, at ang integridad ng paglikha.
Ang isang tema na ngayon ay napapabilang na, na hindi naman bago ay ang pag alalay sa bayan ng Diyos. Isang pagninilay na aakay sa atin upang umunawa na mag uli sa ating mga gawain sa mga parokya, dambana, paglalakbay sa banal na lugar at iba pa. Ang ibang tema ay sadyang magbubukas sa mas malawak pang pagninilay sa lokal na antas: komunikasyon at ang kontinenteng digital, mga kabataan at mga bokasyon. Ang mga gawaing pang- edukasyon at iyong mga samahan ng mga relihiyoso at mga laiko (lay-religious alliance) ay nanatiling pundamental, kahit ito ay tinalakay na sa nakaraang Pagpupulong. Ang bagong pag-unlad ay aalalay sa atin upang makarating tayo sa “mas malalimang paghakbang” sa mga ganitong larangan.
Paano natin magigising ang interes at makapagbigay ng mga kakailanganin gamit para sa ating mga nakababatang Assumptionista na nasa programa ng paghuhubog, para sila din ay makagawa ng mga hakbangin sa pamumuno at iba pang serbisyong kinakailangan sa ating buhay at sa ating misyon? Paano tayo makagagawa ng mga espesyal na polisiya sa mga program ng paghuhubog na makakatulong sa pagpapaunlad sa kapasidad ng ating Kongregasyon para sa Teolohikal na pagninilay? Ang iba naman ay magiging possible lamang kung tayo ay bubuo ng mga kinakailangang pangkapwang-pananagutang ekonomikal, na kinakailangang magsimula sa bawat komunidad, sa pamamagitan ng pagiging tapat o aninaw, mapagtimpi, pagiging simple, pakikipagkakaisa at magandang pamamalakad.
Isang panawagan sa pagiging banal ay umusbong muli, at malakas na idinidiin ang pigura ni Padre d’Alzon. Kailangan nating gumawa ng may pagkakaisa upang pagusapan ang tungkol sa ating pundador, upang manalangin at isulong ang kanyang kabanalan, at upang hingin ang pagkilala ng Inang Simbahan. Ito rin ang magbibigay daan upang pasiglahin tayo para sa ating pagiging banal.Aking mga Kapatid, alam na ninyo, ang buhay ng tao, ang kanyang nakaraan at sa ating aspeto, ang buhay ng ating Kongregasyon ay naghahandog, sa pamamagitan ng kagandahang asal ng kanilang simbolikong timbang, ay natatangi. Itong ika-34 na Pangkalahatang Pagpupulong ay pupukaw sa personal at sa sama-samang pananariwa sa nakaraan na napapabilang sa mga sopresa at totoong mga kaganapan. Kailangan nating bigyang ng pagkilala ang grasya ng Diyos na laging gumagalaw sa atin. At sa ganitong pamamaraan, ito ay pinagbubuhatan ng malaking pagtitiwala. Ito ang pagpupulong na naghahangad ng pangako. Tayo ay hinahamon nito upang gumawa ng mga bagong pagkilos.
Ako ay patuloy pa ring naniniwala na ang landas patungo sa tunay na kapatiran at kabanalan ay makakamit natin. Kahit na ito ay mangagailangan ng pagpapanibago sa maraming antas, marami pa rin ang mga rason para umasa. Aking mga Kapatid, mga relihiyoso at mga layko, inaanyayahan ko kayo upang magnilay sa pananampalataya sa mga bunga nitong ika 34- na Pagkalahatang Pagpupulong. Sila ay maribdib na pinagmumulan ng pag-asa para sa ating Kongregasyon at para sa sanlibutan.
Padre NGOA Ya Tshihemba, aa
Pangkalahatang Superyor
Augustinians of the Assumption
Ipanatupad noong ika 1 ng Nobyembre, 2023,
Sa Dakilang Kapistahan ng mga Banal